Mexicanong makakalaban ni Ancajas sa Feb. 2018 Kilalanin


Kilalanin natin ang Mexicanong makakalaban ng ating IBF World Super Flyweight champion Jerwin Ancajas sa February 3, 2018.


Israel Gonzalez - mayroong record na 21W(8KO)-1L, hindi sya masyadong kilala at sikat sa larangan ng boxing.

Kung titingnan natin sa kalibre ng nakalaban ng Mexicano, maituturing natin na malayong malayo ang antas sa mga nakalaban ng ating kampeon. Ang medyo kilala lang na natalo ni Gonzalez ay si Ramon Garcia Hirales, na tinalo niya via unanimous decision.

Hindi rin gaanong malakas ang bentahe ng Mexicano sa 21 niyang laban makikita natin na 8 lang ang kanyang napabaksak.

Ganunpaman, ang Mexicano ay always na malakas kaya kailangan parin pag-igihin ni Ancajas ang kanyang pag eensayo para maiwasan ang upset. Siguradong malakas ang stamina nitong Mexicano nato at siguardong matibay ang chin ng batang ito. Hindi rin dapat maging kumpiyansa si Ancajas dahil ang mga Mexicano ay hindi basta basta sumusuko at siguardo ring pag hahandaan nila ito at kukuha sila ng best trainer para sa batang ito.

Ang laban ay mangyayari sa Bank of America Center, Corpus Christi, Texas, USA on Feburary 3, 2018. Ang nag promote po ng laban na ito ay ang Top Rank Promotions.