"Mangingisda nuon MMA Fighter ngayon" a salute for Ramon Sasaluya Gonzales

ONE Championship fighter Ramon Sasaluya Gonzales take a facebook challenge "post a pic of you from 2012 and 2017 and see how much you've changed".

Gonzales posted his 2012 picture when he was a fisherman and posted a 2017 picture that he is now an MMA fighter, posted in his facebook yesterday January 8, 2018.

Also quoted some tagalog word of wisdom:

"Mangingisda nuon MMA Fighter ngayon"

Ng panahon na yan nakalimutan ko na may kunting skill pala ko, marunong naman pala kong simipa at sumuntok! Yang time na yan ginawa ko lahat para mabuhay ko family ko, pero hindi sapat. isang araw habang nangingisda ako sabi sakin ng tito ko na Eng. kung ipagpatuloy mo lang yang pag kakarate mo at kung mag trabaho ka, kahit ilang kilo mabibili mo, kaya napaisip ako at bumalik ng manila, at yun na nga po ang nangyari. Nag pursige nag tsaga, nag training ng husto naglaro nanalo, pag dating ng Pro natalo nag give up, sumuko, nawalang ng paga asa, pero akala ko huli na ang lahat pero nong nakalaban ko kamukha ni Pacquiao 42 years old tinalo ako, lumakas loob ko naisip ko na hindi pa huli ang lahat. Nagtraining ulet araw araw, nag sipag, bumalik ang pag asa, sa awa ng Dios nakuha din ang "W" at lalo po akong nagsisikap, nagsisipag dahil alam kong hindi dito nagtatapos ang career ko.

Nagsusumikap po ako dahil sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sakin, kahit anong mangyare di ako iniwan, lalo nyo po akong binibiggyan ng lakas ng loob para magpatuloy sa kahit anong laban ng buhay.

Marami pong Salamat sainyong lahat ❤️️

At sana maging motivation ito sa iba na nawawalan na ng pag asa kahit sa anong klaseng laban ng buhay, wag po kayong mawalan ng pag asa, naniniwala po ako sa kasabihan ng matatanda, ''Hanggat may buhay may pag asa''

At Ito ang lagi kong pinanghahawakang kasabihan.

"Kung Kaya nila Kaya rin Natin yan" 😉👊🏻

Ossu!!

#martialartist #fisherman #MMAfighter #motivation #fitspiration #kyokushin #ONEchampionship #thebicolano #2012&2017

Ps: nakakabili na po ako ngayon ng malaking isda! 😅 thank you Uncle Nick!

Currently Ramon "The Bicolano" Gonzales has a record of 2 wins including 2 losses. In just 1 day his post got 976 likes and 153 shares in facebook.

Source: Ramon Sasaluya Gonzales