Saturday, February 03, 2018

Bakit buo ang Suporta ng mga Filipino kay Ancajas?


Madaming sikat na boxingero sa Pilipinas ngunit iba ang aura ng ating pambatong si Jerwin Ancajas pagdating sa mga Pinoy Boxing fans mapa local man o international. Siguro isa si Jerwin sa nagbibigay nang "satisfaction" sa mga Pinoy fans when he is fighting in the ring.  Sa ngayon meroon siyang record na 28 wins at 18 ang kanyang napabaksak at isa palang ang talo.

Hindi natin maitatago na si Jerwin Ancajas ay isa talagang KO puncher at magaling din ang skills, yan ang isang gustong gusto ng mga Pilipino. Sa edad na 26 maagang nakamit ni Jerwin ang tuktok ng tagumpay bilang isang kampeon. Ngunit hindi lang dahil sa lakas ng suntok nagugustuhan ng tao si Jerwin Ancajas.

Si Jerwin, ayon sa aming pagkakaunawa ay nagustuhan ng tao dahil sa mabuting asal, laging nakangiti at higit sa lahat napaka down to earth kumbaga mapagkumbaba. Yan ang tunay nagugustuhan ng Filipino sa isang boxingero tulad ni Manny Pacquiao. Bukod pa diyan hindi nakalimutan ni Jerwin Ancajas ang magpasalamat sa panginoon at magbigay sa nangangailangan lalo na sa mga kapwa niya boxingero.

Bukas Febrero 4, 2018 araw sa Pilipinas. Dedepensahan ni Ancajas ang kanyang IBF World Super Flyweight Title laban sa Mexicanong si Israel Gonzalez. Inaasahang maraming Filipino ang manood sa laban ni Jerwin sa Bank of America Center, Corpus Christi, Texas, USA.