Sunday, April 01, 2018

Kilalanin si Michael Dasmarinas at kung bakit siya pumasok sa larangan ng boxing


Kilalanin po natin ang 25 years old na si Michael Dasmarinas na sa ngayon ay may record na 27 wins 18 by knockout at may 2 talo. Katulad ng ilang mga boxsingero sa Pilipinas isa si Michael na nangangarap na maging world champion para maitaguyod niya ang kanyang pamilya sa kahirapan at saka makapagbigay ng karangalan para sa ating bayan.

"Gloves on Fire" ang nickname niya dahil dati daw nung bata siya, isang miyembro nang pamilya niya ang ayaw sa boxing at sinusunog ang kanyang gloves.

Nakatalang lumaban si Michael Dasmarinas sa darating na Abril 20, 2018 para sa vacant International Boxing Organization World Bantamweight Title kontra kay Karim Guerfi ng France na may record na (26W-3L, 8KO).