Tuesday, May 29, 2018

Kiefer Ravena suspended ng 18 months after failing FIBA drugtest


Hindi natin makikita ang PBA Superstar na si Kiefer Ravena sa Gilas Pilipinas sa loob ng 18 months dahil sa napapabalitang nag intake siya nang pinagbabawal na drugs.

Hindi naman talaga adik at hindi rin naman talaga gumagamit nang pinagbabawal na gamot ang ating Gilas PG, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon noong March 19, ang SBP ay sinabihan si Ravena na positive sa pinagbabawal na substances ng World Anti-Doping Agency (WADA).

Ang mga substances ay Higenamine, 1,3-Dimethylbutylamine, and 4-Methylhexan-2-amine. Mula daw ito sa nainom na energy drink ni Kiefer Ravena.

Ang magandang balita ay tuloy parin naman siyang mamamayagpag sa PBA dahil hindi naman daw illegal ang energy drink na iyon at mabibili sa lahat ng sulok sa Pilipinas.