Sunday, May 20, 2018

Magkano kaya ang sahod ni Jordan Clarkson sa NBA per month?


Mga ka PPS, Alamin natin kung magkano kaya ang sinasahod ng ating kababayan na si Jordan sa NBA.

Si Jordan Clarkson ay Filipino-American na ang mother ay from the Philippines. Si Clarkson ay na draft noong 2014, 46th overall sa Washington Wizards pero nauwi sa Los Angeles Lakers na kung saan nakaexperience niyang mag laro si Kobe Bryant. Sa ngayon Itinrade naman siya sa Cleveland Cavaliers na sa kasalukuyan ay lumalaban sa Eastern Conference Finals kontra sa Boston Celtics.

Kung paguusapan naman natin ang sahod niya, siguradong magugulat kayo sa laki. Si Clarkson sa kasalukuyan combo guard sa Cleveland Cavaliers at kumita lamang naman ng $12,500,000 per year o katumbas ng $1M dollar per month, kung icoconvert natin ito sa pesos it ay nagkakahalaga ng 54 million pesos per month o katumbas ng 650 million pesos per year.

Kaya para sa mga tatay diyan turuan natin ang anak natin sa basketball, malay natin isa na pala siya na susunod na NBA Superstar, pede rin nman sa PBA na may maximun na pasahod na 450K pesos per month.