Tuesday, April 09, 2019

Magsayo kontra Indonesian sa Abril 12


Muli nananating makikita ang Filipino boxing prospect na si Mark "Magnifico" Magsayo sa ring ngayong Abril 12 na gaganapin sa The Ring Boxing Community, Singapore. 

Halos isat kalahating taon na ng huling lumaban si Mark Magsayo kontra sa Japanese na si Shota Hayashi at bumaba na rin ang kanyang ranking sa WBO. Ang dahilan daw ng kanyang pag kaka layoff ay dahil sa issue niya sa dati niyang promoter.

Ngayong darating na Abril 12, si Mark Magsayo na may record na 18 wins, walang talo at labing tatlo ang pinabagsak ay haharapin ang Indonesian na si Erick Deztroyer, may record na 12W-3L-1D at tatlo ang pinabagsak. Ang 33 years old na Indonesian ay galing din sa panalo laban kay Muhammad Shehran via 5th round TKO.

Tingnan natin kung ganoon parin ang laro ni Magsayo dahil ang isat kalahating taon ay hindi biro para sa isang boksingero na kailangang imaintain ang kundisyon.

Magsayo vs. Deztroyer ay para sa 8 rounds non title featherweight contest.